Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao binanatan ni Bondoc

0 391

NI: ALWIN IGNACIO

Wow oh wow! Ang diva that you love hindi malaman kung mapapatili ng walang sound o hahalakhak in a major, major way .Ito’y sa banat ng one-hit wonder na si Jimmy Bondoc para sa Pambansang Kamao Manny Pacquiao.

May mahabang-habang litanya ang isa sa mga best at the brightest laban sa senador na may nalalapit na boxing match.

Ang pagbanat niya ay nasa kanyang Facebook account. Narito ang bahagi ng post niya.

“Hindi po ako manunuod ng laban ni Manny, katulad ng madaming DDS. Pero bago kayo magalit, ito muna ang dahilan.Tapos, magalit na kayo.

“Hindi naman ako boxing fan kasi,kahit dati pa. I was a Manny fan.

Kaya ko sya pinapanuod dati, kasi kitang-kita mo na karangalan ng Pilipinas ang pinaglalaban niya.

“Syempre, pinaglaban niya rin ang sarili niya at yung prize money.

Wala namang masama dun. Ok nga yun e. We should all fight for ourselves and our families.

“Pero nakakahanga siya noon,kasi laging may “para sa bayan”

na aspeto ang laban niya.

Ngayon, ang boxing ni Manny, ay: (1) Kampanya para sa election;

SM food to go Banner Ad

(2) Fundraising para sa election; (3) isang DIRECT VIOLATION NG CAMPAIGN PROMISE.

“Ngayon, gusto niya mag-Pangulo, kahit alam na alam niyang

FULL-TIME ang magiging Pangulo.Pag maging Pangulo siya,

ilang laban pa at pa-Liga ang aasikasuhin niya?Ilang absent pa ang gagawin niya upang magawa ang susunod niyang mapag-tripan?

Ang laban na ‘to siguro ay maganda panuorin para lamang sa boxing fans. Like my Dad. He was a boxing fan.If he were alive today, manunuod siya sigurado, regardless of Manny’s intentions.Kaya wala namang masama sa panunuod nito.

Pero sa aming hindi naman boxing fans,

walang magandang dahilan upang panuorin ang isang boxing match na dapat sigurong pamagatang: “The Ultimate Electioneering Match”

of all time.

Napakanta tuloy ako ng:”Para sa boto, Ang laban na ‘to.”

Siyempre pa ay expectorant na nating lahat lalo na nga’t kinakasahan na at inaakusahan ni Senador Emmanuel ang kasalukuyang naghaharing uri.

Papatulan kaya ni Pambansang Kamao ang mga pagbanat na ito sa kanya ni Bondoc? Bukas ang panig niya sa Tonite. (Alwin Ignacio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.