Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao binida wax figure sa Hong Kong

0 197

MAGKAKAROON na ng wax figure si eight-division champion at reigning WBA welterweight champion Manny Pacquiao sa sikat na Madame Tussauds sa Hong Kong.

Binahagi ito ni Pacquiao sa kanyang Instagram post kung saan ginaya niya pa ang posing ng kanyang wax figure.

SM food to go Banner Ad

“I’m very honored to be the next Filipino wax figure to join @madametussaudshongkong and I’m excited for everyone to see it! It was a different way to represent the country. #PinoyPride,” saad ng ‘Pambansang Kamao’.

Ilan sa mga nagkaroon na ng wax figure sa Madame Tussauds ay sina Miss Universe Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

Huling lumaban si Pacquiao noong Hulyo 2019 nang agawin ang WBA belt ni Keith Thurman. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.