Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao bulinggit na nakapag-PBA

0 241

Hindi nabiyayaan ang mga Pinoy ng mahahabang biyas, pero hindi ito hadlang para maituring na basketball loving country ang Pilipinas kahit pa angat ang matatangkad sa sport.

Pinatunayan ng ilang manlalaro sa PBA na kahit hindi katangkaran, kaya nilang makipagsabayan sa mga higante ng liga.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ‘Factsbreak’ segment ng Sportalakan kasama si PBA chief statistician Fidel Mangonon III nitong Martes, binahagi niya ang limang manlalaro na tinuring na pinakamaliit na nakatungtong sa unang Asia’s play-for-pay hoop.

Una sa listahan ang tiyuhin ni PBA legend Johnny A. na si Virgilio Abarrientos. Sumukat ng 5-foot-5 si Virgilio, na naglaro sa unang season ng PBA noong 1975, at ang kakaiba pa, ‘Haba-Haba’ ang bansag sa kanya.

Swak sa top five sina Purefoods Tender Juicy Giants na si Al Vergara, na 5-5 5/8, Boyet Bautista ng Purefoods din na 5-5 ¾, Sen. Manny Pacquiao na 5-6 ang height at Emman Monfort ng Barako Bull na 5-6 1/6. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.