Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao, Cusi giyera sumabog na

0 850

Inabisuhan ni Senador Manny Pacquiao ang mga miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na huwag sumali sa ipatatawag na national assembly ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

Si Pacquiao ang acting president ng partido habang si Cusi naman ang vice chairman.

Sa memorandum circular na nilagdaan ni Pacquiao, pinayuhan nito ang mga miyembro ng partido na dedmahin ang invitation letter ni Cusi.

“You might have received Vice Chairman Alfonso Cusi’s letter calling for a national assembly on May 31, 2021,” sabi sa memorandum.

SM food to go Banner Ad

“Said invitation letter is not sanctioned by Authorized National Council officials and violates Section 4 and Section 5, Article XVI, Constitution of the PDP Laban,” dagdag pa ni Pacquiao sa kanyang memo.

Nakasaad pa sa memorandum na anumang panawagan para sa national council, assembly o meeting ay kailangan muna aprubahan ni Pacquiao at ng party chairman na si Pangulong Rodrigo Duterte.

“This is not the time for politics. Instead, let us help our country ravaged by the Covid-19 pandemic,” sabi pa sa memorandum.

Matatandaan na una na ring binalaan ni Pacquiao si Cusi sa paghahati ng partido matapos na umikot ang kalihim sa bansa para konsultahin ang mga kapartido hinggil sa resolusyon na humihikayat kay Pangulong Duterte na tumakbo para sa pagka-vice president sa 2022. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.