Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao `di lalayas sa PDP-Laban

0 106

Inamin ni Senador Manny Pacquiao nitong Sabado na nilapitan na rin siya ng ilang partido para mag-ober da bakod.

Subalit nanindigan ang senador na mananatili siya sa PDP-Laban sa kabila ng mga hindi pagkakasundo sa loob mismo ng partido.

“Marami pong naawa sakin dahil wala naman akong ginagawang masama. Marami pong naawa at gusto akong, i-open `yong door nila sa akin para po lumipat sa kanilang partido,” wika ni Pacquiao.

Gayunpaman, nanindigan si Pacquiao na mananatili siya sa PDP-Laban upang maayos ang partido at maturuan ng leksyon ang mga pasaway na miyembro.

“Pero ang sakin marami pong salamat sa inyong na willing na pagtanggap sakin pero gusto ko lang po paalam na nandito pa po ako sa sa PDP at gusto kong ayusin at turuan ang mga tiwaling miyembro ng partido na ito,” dagdag pa ng senador.

Hindi naman na pinangalanan ni Pacquiao ang mga partidong humihikayat sa kanya para lumipat.(Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.