Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao ‘di matitibag sa PDP-Laban

0 256

Kumpiyansa ang isang opisyal ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na hindi mapapalitan si Senador Manny Pacquiao bilang pangulo ng partido.

Sa online interview ng mga reporter, sinabi ni PDP-Laban executive director Ron Munsayac na tiwala naman ang mga kasapi ng partido sa liderato ni Pacquiao.

“Hindi namin tingin na papatalsikin si Sen. Manny kasi confident po talaga kami sa leadership ni Sen. Pacquiao. We’ve been consulting all of our party mates, confident sila sa liderato ni Sen. Pacquiao,” pahayag ni Munsayac.

“Wala kaming nakikita na tiyansa na mapapatalsik siya kasi kampante kami sa leadership ni Manny Pacquiao at ito po ay nanggagaling po sa aming mga grass root members,” dagdag pa nito.

Sa Hulyo muling magpupulong ang PDP-Laban at inaasahang pagdedesyunan ang liderato ng partido. Isa sa inaasahang agenda ay kung papalitan ba o hindi si Pacquiao bilang pangulo ng partido.

Noong Lunes, nagpasa ng resolusyon ang partido na humikayat kay Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagka bise presidente sa 2020 elections. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.