Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao, Duremdes: MPBL bongga pagbalik

0 154

Walang hinto! Tuloy lang ang palaro at bongga pa kapag nagbalik!

Nabitin ang 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) 2019-20 Lakan Cup dahil sa pandemya na nag-lockdown sa bansa at kanselasyon ng lahat ng sports noong March 2020, pero ‘di ito sinukuan at tuloy pa rin ang liga.

Halos isang taon na ring naudlot ang nasimulang liga, pero hindi bumitaw sina MPBL CEO/founder Sen. Emmanuel Pacquiao at Commissioner Kenneth Duremdes.

Kahahayag lang ng eight-division world pro boxing champ Pacquiao ang balak pang pagtatayo ng tahanan ng MPBL sa Metro Manila na magsisilbi ring neutral playing venue ng 31 teams kapag nagkabakuna sa pandema’t bumalik sa dating tradisyunal na normal ang lahat.

Target nilang, masimulan na ulit ang Lakan Final Four sa February at ang ikaapat na edisyon sa June upang maibalik na sa mga panatiko ang saya.

“Ang hiling po namin, sana is makabalik na ulit tayo sa normal na pamumuhay para magagawa na ulit natin mga bagay (pati ang MPBL Lakan season) na nagpapasaya sa mga kababayan natin,” pahayag ni ‘Captain Marbel’ sa panayam ng Abante TONITE Sports.

Ayon pa sa 1998 Philippine Basketball Association (PBA) MVP at magku-47-anyos sa Linggo, January 31, kapag nairaos na aniya ang Lakan, igagapang din nila ang bagong bagong season.

“Target goal natin ngayong 2021 matapos muna ang Lakan Season, then hopefully by June makapag umpisa ulit tayo nang bagong MPBL season,” dagdag pa ng former University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Adamson Soaring Falcons coach.

Hindi na bago sa liga ang ganitong senaryo dahil minsan na rin g nakaladkad ito sa aberya na isyu ng game-fixing.

Ilan sa kanilang mga player nadawit sa `bentahan’ at pagmamanipula sa mga laro. Abangers na lang sila sa resolusyon ng korte.

‘Di ito kinunsinti bagkus may mga sinampolan at kinasuhan. Nilinis ang liga at binawalan na ang may bahid na manlalaro na mapabilang sa torneo. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.