Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao ganado manggulpi

0 63

KALABAN na lang ang kulang.

Ganito ang ipinaramdam ni ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao sa kanyang social media account.

Sa Instagram post ng fighting senator at kasalukuyang World Boxing Association (WBA) welterweight kingpin ay nagpahiwatig itong ganado siyang makipagsuntukan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I’m in the mood to fight. #TeamPacquiao,” caption ni ‘The Pacman’.

Ngayon ay wala pang katiyakan kung kailan muling makikipag-upakan sa ring ang 41-anyos Pinoy boxing legend ngunit matunog ang balitang magsasagupa sila ni former UFC star Conor McGregor sa susunod na taon.

Huling nakipagsuntukan si Pacquiao noong Hulyo 2019 nang agawin ang WBA 147-pound belt ni ‘One Time’ Keith Thurman. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.