Abante Tonite Interactive

Pacquiao grumadweyt

699

Tapos laiitin noon ni brodkaster Karen Davila sa kanyang edu­cational ­attainment, nakatapos na si ­Senador Emmanuel ­Pacquiao sa University of Makati (UMak) ng kursong Bachelor of Arts in Political ­Science Major in Local ­Government Administration.

Kasama ni Pacquiao sa 400 nagsipagtapos sa unibersidad kung saan kinumpirma ang kaniyang ­degree ni acting UMak ­President, Makati City Mayor Abby Binay.
Bago ang kanyang graduation ceremony, nag-post si Pacquiao sa kanyang Facebook page ng isang throwback picture na may caption na ‘Dream it. Believe it. Achieve it.’

Ang kanyang asawang si Jinkee ­naman ay nagpahayag ng pagbati at pagmamalaki sa kanyang FB at Instagram sa tinapos ng mister.

Nakuha ni Pacquiao ang kanyang high school diploma nang pumasa sa accreditation at equivalency test. Nagsilbi siyang ambassador ng Alternative Learning System ng Department of Education noong 2007.

Noong 2008, ­kumuha ng kursong administration si ­Pacquiao sa Notre Dame of Dadiangas.

Bagama’t ­maraming natuwa sa achievement ng senador, may ilan namang nilait pa rin ang kanyang pagtatapos sa UMak.

Anang @Niquie Soliman: Binayaran lang yan hahaha Joke… Congrats Sen. Manny”

“@Pinggoy M. Ortega: “Magkano ang donation haha. Lagi ngang absent sa ­Senate,” dugtong ni @Pinggoy M. Ortega.

Miyerkoles ­naglabas din ang tanggapan ni Pacquiao ng litrato na dumalo sa kanyang graduation ceremony na naka-toga. (Dindo Matining)