Abante Tonite Interactive

Pacquiao gurang na – Mayweather

0 408

TANTANAN nyo na si ‘Pacman’, matanda na iyan!

Ito ang panawagan ni Floyd Mayweather Jr sa mga gustong makasapakan si fighting senator Manny Pacquiao.

“Stop chasing this old man,” aniya.

Nalulungkot at labis na nagtataka si ‘Money’ Mayweather kung bakit marami ang nagkakainteres na makanti pa ang ‘Pambansang Kamao’ samantalang matanda naman na umano ito.

“It’s sad that you hear guys say, ‘I want to fight Manny Pacquiao,” litanya ni Mayweather sa Fighthype.com.

“But Manny Pacquiao is 41 now.”

Sa halip aniyang ipagsiksikan ng mga sikat na boksingero ang kanilang sarili sa Pinoy ring icon ay lubayan na lang nila ito at silang mga bata pa na lang ang maglaban.

“Don’t chase him. You young guys chase each other.”

Nag-ugat ang pagkairita ni Mayweather nang maglabasan ang mga malalaking pangalan na interesadong makipagbugbugan sa eight-division world champ gaya nina Mikey Garcia, Danny Garcia, Shawn Porter at Amir Khan maging nina Errol Spence Jr. at Terence Crawford. (Aivan Episcope)

Tonite – Wendys Inhouse Ad