Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao inisnab ni Floyd asa pa!

0 308

BABALIK na sa ibabaw ng ring ngayong 2020 si undefeated champion Floyd Mayweather Jr.

Pero hindi kontra ‘Pambansang Kamao’ at WBA welterweight champion Manny Pacquiao.

Ayon sa former five division world champion, bibiyahe siya ng Tokyo, Japan para makipag-usap ulit sa mixed martial arts company na Rizin.

“Soon I’m going to hop on my jet to Tokyo, Japan for a meeting with my partners and Rizin for something this year 2020. Stay tuned,” deklara ni Mayweather.

Dati nang nakipa-‘business’ si Floyd sa Rizin nang lumaban sa “Rizin 14” card noong December 31, 2018 sa Japan nang talunin si kickboxing sensation Tenshin Nasukawa sa first round ng kanilang exhibition match.

Nagwagi si Floyd kontra Pacquiao taong 2015 via unanimous decision at mula noon ay palagi nang niluluto ang rematch ng dalawang boxing legend.

Edad 43 na ngayon si Floyd habang 41-anyos na si Pacquiao, na huling lumaban Hulyo 2019 nang agawin ang WBA 147-pound belt ni Keith ‘One Time’ Thurman. (Ferdz Delos Santos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.