Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao ipakukulong lahat ng kurakot

0 115

Nagbabala si Senador Manny Pacquiao sa mga nagsamantala sa kaban ng bayan na malapit nang magsama-sama ang mga ito sa kulungan.

Ginawa ani Pacquiao ang pahayag matapos niyang opisyal na tanggapin ang nominasyon ng kanyang grupo bilang kandidato sa pagka-pangulo ng PDP-Laban sa halalan sa 2022.

“Sa mga nanunungkulan sa ating pamahalaan na patuloy na nagsasamantala at nagnanakaw sa kaban ng bayan, malapit na kayong magsama-sama sa kulungan,” sabi ni Pacquiao.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Your time is up! Binigyan namin kayo ng pagkakataon, nguni’t kami ay inyong binigo. Naghintay po kami ng mahabang panahon, ilang dekada na ang lumipas, pero wala ding nangyari,” dagdag pa nito.

Inihayag pa ni Pacquiao na handa siyang gumabay at mamuno sa panahon ng “kahirapan, pagbangon at pag-asenso.”

“Ako po ay naniniwala, even the impossible can happen if it is ordained by the Lord,” ani Pacquiao. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.