Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao ipinagtanggol si Lacson

0 228

Sa halip na batikusin si Senador Panfilo `Ping’ Lacson, dapat pa nga itong pasalamatan ng mga sumusuporta sa administrasyon dahil sa kanyang krusada laban sa korapsyon sa gobyerno, ayon kay Senador Manny Pacquiao.

Inihayag ito ni Pacquiao matapos putaktihin ng mga troll si Lacson dahil sa pangunguna nito sa paghalungkat sa mga alegasyon ng malawakang korapsyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

“Lacson and President Duterte have the same enemy and these are the scalawags and misfits in government who continue to cause untold misery to all Filipinos,” sabi ni Pacquiao sa isang pahayag nito.

statement.

Sabi pa ni Pacquiao, ang ginagawang pagsasaliksik ni Lacson sa walang patid na iregularidad sa PhilHealth ay hindi pag-atake kay Duterte kung hindi isang hakbang para matulunngan ang Pangulo na linisin ang katiwalian sa pamahalaan. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.