Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao kakalas o kakalusin sa PDP?

0 158

Patuloy ang squabble sa ang Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Akala natin hanggang sa giriian sa pagitan Senador Manny Pacquiao, na acting president ng partido at ni Energy Secretary Alfonso Cusi, ang vice-chairman ng PDP-Laban, magtatapos ang bangayan pero hindi pala, may iba pa pala. This time, sa pagitan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang chairman ng partido at ni Pacquiao.

Matindi ang pitik ni Duterte kay Pacquiao. Halatang napikon na sa Pambansang Kamao. Sabagay hindi natin masisisi ang pangulo dahil mukhang talagang napuno na ang salop. Sabi nga ni Da King [yumaong Fernando Poe Jr.], sa isang pelikula niya noon, ‘dapat nang kalusin’.

Iyon nga ang nangyari sa public address ng pangulo, halatang inis na siya kay Pacquiao dahil sa paratang na triple ang nangyayaring korapsiyon ngayon kumpara sa mga nagdaang administrasyon.

Sabagay, hindi iyan ang unang pagkakataon na binatikos ni Pacquiao ang Duterte administration. Una, iyong posisyon ng administrasyon sa West Philippine Sea (WPS) na sabi ng senador eh parang nakukulangan siya.

“Sa akin, nakukulangan ako, nakukulangan ako kumpara doon sa bago pa siya tumakbo, nage-eleksyon pa lang. Dapat ipatuloy niya yun para magkaroon din naman tayo ng respeto [galing sa China]”. Iyan ang sabi ni Pacquiao sa online interview ng mga Senate reporter.

Sinagot ‘yan ni Pangulong Duterte at sinabing “It’s about foreign policy. I would not want to degrade him, but next time he should…mag-aral ka muna nang husto,” sabi ng pangulo sa intervriew ng kanyang kaibingang si Pastor Apollo Quiboloy.

Sa pagkakatanda ko, iyon ang unang pinakamabigat na pitik ni Pacquiao kay Pangulong Duterte na kanyang kasama sa partido. Maraming nagulat, maraming makapaniwala dahil sino nga naman ang mag-aakala na pipitikin si Pacquiao niya si Pangulong Duterte na kasama niya pa sa partido.

Nangyari ang unang pitik ni Pacquiao nang maramdaman siguro niya na hindi siya ang magiging standard bearer. Although hindi pa naman nakakapag-desisyon si Pacquiao, randam niya na gusto siyang iitsa-puwera sa partido.
Ito’y lalo na’t isinusulong ni Cusi, ang vice-chairman ng PDP-Laban, ang tandem nina Sen. Bong Go at ni Duterte para sa 2022 national elections. Lalo pang napikon si Pacquiao kay Cusi nang magpatawag ito ng national assembly na walang basbas niya bilang acting president ng partido.

At sa kabila ng panawagan ni Pacquiao sa mga kasapi ng partido na iboykot ang council meeting dahil hindi naman iyon sanctioned ng partido, wala siyang nagawa marami pa ring dumalo sa assembly na ginawa sa Cebu noong May 31.

Sa July 17, magkakaroon muli ng national assembly ang PDP-Laban at isa sa posibleng agenda ay ang pagpapalit ng liderato ng partido. Sa ngayon, halatang hati na ang partido. Kaya ang pinakaabangan ay kung mananatili pa ba si Pacquiao sa partido o hindi.

Sa ngayon dalawang ang grupo – ang PDP-Laban 1 na pinamumunuan ni Sen. Koko Pimentel, anak ng founder ng partido na si yumaong Sen. Nene Pimentel, at ang isa grupo naman ay hawak naman Cusi.

Kaya huwag na tayong magulat kung isang araw ay magising si Pacquiao na hindi na siya ang acting president ng partido dahil sa tingin ko talagang mangyayari yan. At kapag natuloy, isa lang ang gagawin niya – ang kumalas na sa PDP-Laban at kamipag-alyansa sa ibang grupo na susuporta sa kanyang ambisyon na tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022.

Leave A Reply

Your email address will not be published.