Abante Tonite Interactive

Pacquiao kay Crawford: Takot ka lang sa akin!

By
1,315

May buwelta si WBA welterweight champion Manny Pacquiao kay WBO 147-pound king Terrence Crawford kaugnay sa komento nitong hindi siya lehitimong world champion.

Kamakailan ay sinabi ni Crawford na tingin niya ay hindi kampeon si Pacquiao dahil wala naman itong super belt.

“He’s not a champion in my eyes. He don’t have the super belt. That’s the champion in my eyes,” wika ni Crawford.

Kaya resbak ng eight-division titlist, “takot lang siya,” saad ni Pacquiao. “Matagal na siyang umiiwas sa akin.”

Kagagaling lang ni Pacquiao mula sa panalo kay Lucas Mathysse noong July 15 upang makuha ang World Bo­xing Association welterweight belt.

Nanalo din si Crawford kontra sa dating sparmate ni Pacman na si Jose Benavidez, Jr. para tanghaling bagong World Boxing Organization 147-pound ruler.