Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao kay Ugas : Bakbakan na!

0 219

Dumating na sa Las Vegas, Nevada sina eight-division world men’s pro boxing king Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao at World Boxing Association welterweight champion Yordenis Ugas ng Cuba Martes (Miyerkoles sa Maynila).

Kasama ng Pambansang Kamao na tinapos na ang six-training camp sa Wild Card Gym sa Los Angeles, na bumiyahe papuntang California, ang kanyang pamilya para sa bakbakan sa Cuban sa Sabado (Linggo sa ‘Pinas) sa T-Mobile Arena.

Nang mabatid ng Pinoy ring icon na nasa Las Vegas na si Ugas na nagpost ng isang Instagram video patungkol sa nalalapit na laban, nagpahayag si Pacquiao ng, “Bakbakan na.”

SM food to go Banner Ad

Malaki ang panghihinayang ng 42-anyos na tubong Kibawe, Bukidnon sa pagkakaopera sa mata ni World Boxing Council/International Boxing Federation unified welterweight Errol Spence Jr. ng Estados Unidos para umatras saka pumasok si Ugas.

Hindi rin minamaliit ni Pacquiao si Ugas na 2008 Beijing Olympics bronze medalist, pero ang Team Pacquiao kumpiyansang mapapabagsak ng una ang huli.

“All the coaching staff are very happy, Freddie (Roach) is also happy because the timing in there—and it really feels so good. My condition is great and we were able to adjust quickly in training,” panapos na hirit ni Pacquiao. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.