Abante Tonite Interactive

Pacquiao kinabog sa problema ng ‘Pinas, binalak mag-resign

By
1,760

Inamin ni Senador Manny ‘Pacman’ Pacquiao na tulad ni Pangulong Rodrigo Du­terte, naisipan din niyang magbitiw bilang mambabatas.

Ito ay dahil sa sangkaterbang problema ng bansa kaya’t nauunawaan anya nito si P­angulong Rodrigo Duterte kung bakit naiisipan din nitong magbitiw.

“Kahit ako nga dumating sa ganun. Nung talagang nadiskubre ko ang problema sa ating bansa. Umabot sa isipan ko ‘yun na talagang nakakadismaya pero inisip ko na lang na kapag sumuko kami, ‘pag umayaw kami, sino na lang magpapatuloy, sino na lang magseserbisyo kawawa ang mga tao,” saad ni Pacquiao.

Gayunman, naniniwala siya na hindi bibitiw ang Pangulo sa kanyang pwesto at siya pa anya mismo ang mangungumbinsi na hu­wag nitong abandonahin ang bansa.

Maging si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ay duda na gagawin ng Pangulo ang pagre-resign.

“Sa pagkakakilala ko sa presidente wala sa ugali n’ya ang nang-aabandon so ang tingin ko baka nasasabi n’ya lang ‘yan at the heat of the moment dahil medy­o uminit ang ulo o medyo napupuno lang siya sa nakikita nyang matinding corruption sa gobyerno,” saad ni Sotto.

“Sa pagkakakilala ko sa kanya na mula noong 1988 nakilala ko na siya, hindi ko nakita sa kanya ‘yung, ‘di ako naniniwala na alam nya ang spelling ng surrender,” dagdag pa nito.