Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao kontra Crawford

0 93

Isang investor ang handang sumugal at maglabas ng kanyang bilyones matuloy lang nilulutong bakbakan nina eight-division world men’s professional boxing champion Manny Pacquiao at unbeaten World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Terence Crawford ng United States.

Ayon kay Top Rank Promotions CEO Robert ‘Bob’ Arum, pursigidong sagutin ng negosyante mula sa Middle East na bayaran ang mamahaling site fee ma-push lang ang upakan ng dalawang bigating boksingero.

“Somebody is willing to spend big money to get the Crawford-Pacquiao fight and the site fee, that then distorts everything,” pagbubulgar ni Arum sa podcast Barbershop Conversations nitong Martes. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.