Abante Tonite Interactive

Pacquiao lalaban sa recess ng Kongreso

By
11

Para hindi magkaroon ng conflict of interest ang trabaho sa Senado at pagboboksing, sinigurado ni Sen. Manny Pacquiao na itataon ang kanyang laban kapag naka-recess ang Kongreso.

Binalita rin ni Pacquiao na hindi pa nila napag-uusapan ng kanyang promoter na si Bob Arum kung kailan ang susunod niyang laban.

Pero nabanggit ng bagitong Senador na darating ang Top Rank boss sa Pilipinas para pag-usapan nila ito.

“Hindi pa namin napag-usapan ni Bob Arum ‘yan … parang darating yata si Bob Arum next week, pupunta rito saka na namin pag-uusapan ‘yan pero kung sakali lang na lumaban ako ulit, dapat matapat dun sa recess.

Kasi ang priority ko ngayon mag-focus sa trabaho ko, Ganado ako bilang Senador. Inaayos ko ang trabaho ko,” pahayag ng Fighting Senator.

Bahagi raw ng kanyang pinagkakakitaan ang pagboboksing, kaya hindi niya agad-agad maititigil ito. Isang paraan daw niya ang pagboboksing para hindi maging tiwali bilang lingkod-bayan.

“’Yang ang source of income ko. Alam mo, kung may plano akong mangurakot sa posisyon ko, hindi na ako lalaban,” paliwanag ni Pacquiao.