Abante Tonite Interactive

Pacquiao mansyon for sale

1,384

Kung P85 million binebenta ang bahay ni James Reid located at Loyola Grand Villas sa Quezon City, naloka naman kami sa presyo ng mansion ni Sen. Manny Pacquiao sa Forbes Park, Makati na for sale rin umano ngayon. Tumataginting kasing P2 billion ang selling price nito at na-list sa Marketplace ng Facebook.

Bukod dito ay naka-feature rin sa wheninmanila.com ang nasabing mansion at kinukumpirma ring for sale ito sa nasabing halaga.

Ang nasabing mansion ni Pacman ay matatandaang nabili niya in 2011 sa halagang P388 million at ilang beses na rin naman itong na-feature sa mga magazines, newspapers and news portals.

Ito rin ‘yung madalas ipost ni Jinkee Pacquiao last year na pinapa-renovate nila.

Ang magarbong mansion ay may lot area na 1,525 square meters, floor area na 2,000 square meters, 3-storey with 5 bedrooms, 5 bathrooms and 10 car parking garage.

Nakalagay din sa Marketplace na it is being owned by a famous celebrity na bagama’t hindi binanggit, sa isang larawan ng isang parte ng mansion ay makikitang naka-display ang larawan ng boxing legend.

Isa lang ito sa napakaraming properties ni Pacman kabilang na ang na ang beachfront house sa Saranggani province, resort in Boracay at mansion sa California.

Arjo nakulitan kay Julia

Sobrang excited ni Arjo Atayde sa kanyang bagong weekend drama series with Julia Montes, ang 24/7 na nagsimula na last Sunday, Feb. 23 with a high ratings.

Dream come true pala para kay Arjo ang makatrabaho si Julia at sobrang na-amaze siya sa aktres.

“It’s really a dream come true for me to work with Julia. Finally, oh my God, ang husay niya talagang artista,” sabi ni Arjo nang makatsikahan naming sa launching ng Spruce & Dash na bagong men’s line ng Beautederm.

Nakakatuwa nga ‘yung pagkakasabi ni Arjo dahil halatang fan na fan siya talaga ni Julia.

“She’s really good, amazing!” dagdag pa niya.

Noon pa raw talaga ay sobrang nagagalingan na siya kay Julia kaya gusto niya talaga itong makatrabaho.

“Magaling po talaga siya, nagagalingan (ako). . .bilang aktor ha, no issues or whatsoever, you know, I mean, magaling talaga si Julia. She flies, when she gets in the scene, she’s in the scene, ramdam mo talaga siya, mata niya pa lang, sinasabi na niya.

“And I appreciate her as a friend, how she is as human being, how she keeps everyone together as well, nasa isang tent kami, nagkukuwentuhan ng staff, I appreciate people like that. She’s very kind, very very kind, saka very respectful na tao,” papuri pa ni Arjo kay Julia.

Bukod dito, na-discover din daw niya na makulit pala ang aktres. Kasi, nakikita nga raw niya itong laging umiiyak sa TV pero nang makasama niya rito sa 24/7 at nakapag-usap sila, he found out na very warm person daw pala ito.