Abante Tonite Interactive

Pacquiao may kalalagyan kay Broner

By
0 526

Dating sparring partner, pero mas pabor kay Adrien Broner.

Ayon kay Amir Khan, malaki ang posibilidad na ma-knockout ni Bro­ner si eight-division champion Manny Pacquiao.

Nakatakdang idepensa ni Pacquiao, magku-40 na sa Disyembre 17, ang kanyang WBA 147-pound belt kontra 29-anyos na si Broner sa MGM Grand sa Las Vega sa Enero 19, 2019.

“Maybe this is the time where Broner shows how good he ­really is. You never know anything could happen,” wika ng dating stablemate at sparring partner ni Pacquiao sa Wild Card Gym ni Freddie Roach sa Los Angeles.

“He could knock Manny Pacquiao out. This is his last chance in a big fight ever.”