Abante Tonite Interactive

Pacquiao may tribute kay Bryant

465

Isang video tribute ang inialay ni eight-time world pro boxing champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao bilang pag-alala kay National Basketball Association legend Kobe Bryant na pumanaw nitong Enero 26 sa Calabasas, Los Angeles, California.

Sa video na kanyang ipinost sa Instagram, nagtanaw-balik ang Pambansang kamao sa kanilang pagkikita ng Los Angeles Lakers great sa Wild Card Boxing Club sa LA, CA rin noong Nobyembre 2011.

Makikita doon na nanood sa training­ at sparring session ni Pacman si Black Mamba.

Ibinahagi rin sa video ang pagsuporta ni Pacquiao sa Smart Ultimate­ All-Star Weekend sa Araneta Coliseum­ sa Quezon City noon ding 2011 na dinaluhan ng ilang NBA star sa pa­ngunguna ni Bryant, kasama sina Kevin Durant, James Harden, Chris Paul, Derrick Rose at iba pa.

Paglalarawan pa ni coach Freddie­ Roach sa video, ang pagkikita ni Bryant­ at Pacquiao ang isa sa best day sa buhay ng Pinoy ring icon. (JAT)