Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao nagpasaklolo sa PNP vs fake news

0 122

Pinaiimbestigahan ni Senador Manny Pacquiao sa Philippine National Police (PNP) ang mga ‘social media troll’ na nasa likod na diumano’y “fake news” tungkol sa P3.5 bilyong Sarangani Sports Complex.

Sabi ni Pacquiao na kasalukuyang nagsasanay sa US para sa nalalapit niyang laban kay Errol Spence Jr., determinado siyang papanugtin ang social media trolls dahil sa pagpapakalat ng kasinungalingan laban sa kanya.

“Many of these SocMed trolls are making a lot of money at the expense of honest and hard-working citizens. I’ll make it my mission to stop them at all costs,” ani Pacquiao sa isang statement.

Sa pamamagitan ng kanyang legal team mula sa Cuison, Daguinod, Mendoza-Martelino Law offices, hiniling ng senador sa PNP Anti-Cyber Crime Group na kilalanin ang may-ari at administrator ng 27 social media platform na nagpapakalat ng fake news na nag-uugnay sa kanya sa korapsyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang aksyon ni Pacquiao ay nag-ugat sa social media post ng spiritual adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Pastor Quiboloy ng SMNI na nagsabing ang senador ay nasa likod ng hindi pa natatapos ng Sarangani Sports Complex.

Sinabi pa ni Quiboloy na nagkakahalaga ang proyekto ng P3.5 bilyon. Agad naman ipinakalat ang naturang post ng mga social medial troll kabilang ang self-confessed na Duterte diehard loyalist na si Bryan Cristobal, na mas kilala sa pangang Banat By, sa 27 internet site, ayon sa kampo ni Pacqquiao.

“The post is libelous and was malicious to destroy the good reputation of the Senator. He proposed this in 2018 and it was signed into law by President Rodrigo Duterte on February 22, 2019,” sabi ni Atty. Pelagio Lawrence Cuison.

“The full implementation of the project will be done by the local government through the province of Sarangani and the municipality of Alabel where the land is located, while the budget will be coming from the National Government. After the proposal of the bill and its signing into law by the President, Senator Pacquiao has no direct dealings with the project. The contractor selected by the bidding committee of the province also has no relation to the Senator,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.