Abante Tonite Interactive

Pacquiao namudmod ng P1K sa Sarangani

438

Malayo pa man ang Pasko ay nakatanggap ng maagang regalo ang ilang residente ng Sarangani mula kay Senador Manny Pacquiao.

Ayon sa report, nagtungo umano ang senador sa Barangay Spring, sa bayan ng Alabale, lalawigan ng Sarangani noong Sabado at namudmod ng balato sa mga re­sidente doon.

Sabi ni David Sisson, staff ni Pacquiao, mahi­git 600 residente ang nakatanggap ng balato kung saan P1,000 ang ibinigay ng senador sa mga matatanda at P500 naman sa mga bata.

Nagpasalamat naman ang mga residente ng Brgy. Spring sa kabutihan ni Pacquiao dahil karamihan sa kanila ay naging biktima ng investment scam ng Kapa Ministry.

Bukod sa mga residente ng barangay, binigyan din ni Pacquiao ng pera ang mga jeepney driver at tricycle driver na kanyang nadaanan sa ginawa nilang motorcade sa naturang lugar.

Ang eight division world boxing champion na si Pacquiao ay nanalo sa kanyang laban kay American boxen Keith Thurman noong Hul­yo 21.

Umuwi si Pacquiao sa General Santos nitong Biyernes, isang buwan matapos ang kanyang pagkapanalo kay Thurman. (Dindo Ma­tining)