Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao nganga sa top 5 boxer ni Floyd

0 416

Kasama ang kanyang sarili, pinangalanan ni retired American undefeated boxing champion Floyd Mayweather Jr. ang kanyang “Top 5 fighters of all-time”.

Ibinahagi ni Mayweather ang kanyang Top 5 sa Instagram live kasama si rapper Fat Joe at dito ay niranggo ang kanyang sarili sa unang pwesto.
Ngunit sa kanyang listahan, mapapansin na wala ang mga sikat at multi-awarded boxer kagaya na lang nina Muhammad Ali na kababayan niya at eight-division world champ Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao.

Wala rin sa Top 5 ni 43 anyos na boksingero sina Mike Tyson, Rocky Marciano, Sugar Ray Leonard at iba pa mga bantog na boksingero.

Pasok din sa listahan ni Mayweather sina Pernell Whitaker Roberto Duran, Larry Holmes at Aaron Pryor. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.