Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao nilaglag ni Pangulong Duterte sa 2022 eleksyon?

0 205

Isang malapit na kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Manny Pacquiao at sila ay nasa isang partidong pulitikal.

Alam naman ng lahat na may ambisyon si Sen. Pacquiao na maging Pangulo ng Pilipinas at sa katunayan ay nagpaparamdam na ito sa mga botante at umiikot na sa ibat ibang panig ng bansa.

Pero tila inilaglag na ni Pangulong Duterte si Pacquiao dahil noong nakaraang biyernes sa Cagayan de Oro ay nagpahiwatig na ang susuportahan nito sa 2022 Presidential Elections ay si Senator Bong Go.

Nagparamdam na si Pangulong Duterte na ang kaniyang matagal ng alalay na si Sen. Go ang susuportahan sa darating ng eleksiyon.

Bagamat wala pang pormal na deklarsyon si Sen. Go sa pagkandidato sa pagka Pangulo ay walang humpay ito sa pag iikot sa ibat ibang panig ng bansa na ang persepsiyon ng marami ay nangangampanya na.

Marahil ay hindi nakita ni Pangulong Duterte ang hinahanap niyang kalidad upang kayanin ni Sen. Pacquiao na pamunuan ang Pilipinas.

SM food to go Banner Ad

Kung sabagay ay maaring mahirapan si Pacquiao na maging Pangulo ng bansa dahil sa dami ng mabibigat ng problema ang maaring iwanan ng Duterte administration .

Sa pangunguna ito ng matinding problema sa bagsak na ekonokiya, milyong katao ang nawalan ng trabaho at maraming negosyo ang nalugi lalo na ang maliliit at pangkaraniwang negosyante.

Walang kuwestiyon sa kabaitan ni Sen. Pacquiao pero hindi ito sapat na pamunuan ang Pilipinas sa dami ng mabibigat na problema at higit sa lahat ay nakakatakot na baka mapaikutan lang ito o malanse ng mga ganid na politiko at negosyante sa bansa.

Kahit sabihin na sariling pera ni Pacquiao ang kaniyang ginagastos sa pagkampanya pero ang paniniwala ng marami ay tiyak na babawiin din ito hindi lang doble o triple at mas malaki pa kapag naupo sa Malacanang.

Siguro sa halip na mangarap na maging Presidente ng Pilipinas ay pangunahan na lang ni Sen. Pacquiao ang pagpapalakas ng sektor ng sports sa Pilipinas at upang makapag produce tayo ng magagaling na atleta at maiwasan ang sinapit ng chess grandmaster Wesley So na napilitang magtungo sa Estados Unidos at nagpasyang maging American citizen dahil sa matinding politika ng sports sa bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.