Abante Tonite Interactive

Pacquiao nilaglag si Cayetano

583

Kung si Senador Manny Pacquiao ang tatanu­ngin, dapat lang na im­bestigahan kung nagamit ba ng tama ang pondong inilaan ng gobyerno sa pag-host ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon kay Pacquiao, isa sa dapat umanong siyasatin ay ang kapalpa­kan ng Philippine Southeast Games Organizing Committee (Phisgoc) tulad ng hindi maayos na pagkain, hotel accomodation, transportasyon at mga hindi pa natatapos na venue na pagdarausan ng mga palaro.

Bukod diyan, dapat din umanong imbestigahan ang ginawang paglilipat ng Philippine Sports Commission (PSC) ng P1.5 bilyon sa Phisgoc ni chairman Alan Peter Ca­yetano para sa pagdaraos ng 30th SEAG.

“Tama ‘yun kasi pera ng tao ‘yun, kaila­ngan may accountability, ipakita natin sa kanila na tama ang pag-ayos ng facilities,” pahayag ni Pacquiao sa panayam sa DWIZ noong Sabado.

Una nang tinawag ni Lacson na ‘galawang Napoles’ ang Phisgoc ni Cayetano dahil sa kuwestiyunableng paglili­pat ng P1.5 bilyon na public funds mula sa PSC para sa private foundation ni Cayetano na Phisgoc.

Ang cauldron ay sinindihan ni Pacquiao sa opening ceremony ng SEA Games noong Nobyembre 30 kasama ang world boxing champion na si Nesthy Petencio.
Pre-taped na

pag-ilaw sa ‘kalderong ginto’ pakana ni Alan Aminado naman ni Pacquiao na ang Phisgoc ang nagpakana na i-pre-taped na lang ang pagsindi ng cauldron.
Bagama’t maganda ang intro ng pre-taped ng cauldron lightning, sinabi ni Pacquiao na nabitin siya dahil sa utos na rin umano ng Phisgoc.

Si God ang naglagay sa akin!

Naniniwala si House Speaker Alan Peter Cayetano na siya ang tinawag na Panginoong Diyos para pamunuan ang pag-oorganisa ng bansa sa 30th SEA Games.

“I believe everything that happens is according to God’s plan. I accepted this challenge because he called me to take it up. Not for myself, but for our athletes and for our country,” sabi ni Cayetano sa kanyang Facebook post kahapon, Disyembre 9.

Kasabay nito, nagbabala rin si Cayetano laban sa mga nagpakalat umano ng fake news at mga ma­lisyosong kasinungali­ngan tungkol sa ‘kalderong ginto’ at sa naging kontrobersyal na kikiam na ipinakain umano sa mga delegado at atleta. (Dindo Ma­tining)