Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao pakipot pa, ambisyoso rin – Palasyo

0 799

Binanatan ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo si Senador Manny Pacquiao na kahit pa umano matigas ang pagtanggi ay halata namang gustong-gusto na maging susunod na presidente ng bansa.

Kasunod ito ng pagbuking ni Senador Panfilo Lacson sa ambisyon ni Pacquiao.

“Now he is ready to rumble for the Presidency. Of course he denies it, he keeps on denying it pero ang body language mo naman Senator Manny eh it shows na talagang you are running,” pahayag ni Panelo sa kanyang programa.

Kahit maaga pa aniya ay mayroon na ring kanta si Pacquiao na indikasyon ng plano nito para sa 2022 elections, “Katunayan meron ka ngang ano eh, campaign song mo, ‘yung Bayan Ko binago ‘yung lyrics at si Freddie Aguilar pa ang ginamit mo.”

Binigyang-diin ng kalihim na hindi masamang mag-ambisyon para sa pinakamataas na puwesto pero ang pagiging presidente aniya ay destiny o guhit ng tadhana gaya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Hindi masama na mag-ambisyong maging presidente kaya lang, ang pagiging presidente ay itinatakda ng tadhana. ‘Pag hindi ka nakatakda eh hindi ka magiging Presidente,” wika ni Panelo.

Ginawang halimbawa ni Panelo sina dating House Speaker Joe de Venecia, Senador Manny Villar, Fernando Poe Jr. at dating senadora Mirriam Defensor Santiago na malakas ang dating sa mga tao subalit dahil hindi nakatadhana, hindi sila naging presidente ng bansa.

Ikinuwento ni Panelo na sa isang panayam sa kanya sa Cagayan de Oro City ay nabanggit ng isang radio announcer na kaya umano gustong tumakbo sa pagkapresidente ni Pacquiao ay para makatulong sa tao at sinasamantala ang panahon na kilala pa siya ng tao bilang boxing legend.

Pero sinabi ng kalihim na hindi kailangang maging presidente para tumulong sa bayan dahil tumutulong naman si Pacquiao ngayon sa maraming paraan, at hindi ito malalaos dahil kapag sinabing boxing legend, nakatanim na sa isipan ng mga tao ang pagiging magaling nitong boksingero. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.