Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Pacquiao para kang kalabaw’ – Duterte

0 181

Ikinumpara ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Manny Pacquiao sa isang kalabaw kasabay ng banta na mangangampanya siya laban sa pambansang kamao kapag tumakbo ito sa 2022 election.

Sa kanyang `Talk to the People’ noong Lunes ng gabi, binakbakan ng Pangulo si Pacquiao dahil sa pagsasabi na mas lumala diumano ang korapsiyon sa kasalukuyan kumpara sa mga nakalipas na administrasyon.

Hinamon ni Pangulong Duterte si Pacquiao na patunayan ang kanyang mga sinasabi hinggil sa korapsiyon sa kanyang administrasyon at tukuyin ang mga ahensiyang sangkot sa kurakutan.

Kapag hindi aniya ito ginawa ni Pacquiao ay lalabas na namumulitika lamang ang senador at lalabas na isa itong sinungaling.

“Kung hindi, namumulitika ka lang and I would say na… I will be — if you fail to do that, I will campaign against you because you are not doing your duty,” sabi ng Pangulo.“Do it because if not, I will just tell the people: `Do not vote for Pacquiao because he is a liar.’ At saka madali parang — parang carabao na kung saan niyo na lang bibirahin, pupunta doon. I am not questioning your ability intellectually or what. But ‘pag hindi mo nagawa ‘yan, araw-arawin kita, I will expose you as a liar,” ayon pa kay Pangulong Duterte.

Dagdag pa ng Pangulo na kilala na niya si Pacquiao noon pa at kung tatakbo ito sa pagka-pangulo ay dapat lamang na malaman ng lahat.

“I’ll put you on notice na isasabi ko lahat at kakalabanin kita sa panahon ng eleksyon. `Pag hindi, you’ll just be another son of a b**** playing politics,” ani Pangulong Duterte. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.