Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao: Patayin mga drug trafficker

0 348

Bagama’t certified born-again Christian, seryoso si Senador Manny Pacquiao na isulong ang pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa kung saan dapat aniyang unahin ang mga drug manufacturer o trafficker.

Sa 10 death penalty bills na inihain sa Senado, tatlo dito ang kay Pacquiao. Subalit iginiit nitong mas gusto niyang isulong ang panukala para sa parusang kamatayan sa mga drug manufacturer o trafficker.

Ayon kay Pacquiao, dapat kalusin na ng mga gumagawa o nagpapakalat ng iligal na droga sa bansa na patuloy pa rin nagsasamantala kahit may pandemya.

“Sinasamantala ng drug lord ang paglaganap ng droga, walang pinipiling panahon sinasamantala nila pagkakataon. Masakit sa loob natin pag-usapan, pero kailangan kasi marami ring naapektuhan na maliliit na tao,” pahayag ni Pacquiao sa panayam sa radyo.

“Mahalaga ang buhay ng tao kaso lang kawawa ang maliliit, mahihirap sila ang naapektuhan, namamatay, `yong drug traffickers `di sila napaparusahan. Itong isinusulong natin death penalty para sa manufacturers ng droga, dealer ng droga `di `yong users ng droga,” dagdag pa nito.

Aminado naman ang senador na nakasaad sa bibliya na kasalanan ang pumatay subalit iginiit nitong ang gobyerno ay binibigyan naman ng kapangyarihan na magpataw na parusang kamatayan sa sinomang gumagawa ng kasamaan.

“Tama po ang thou shall not kill, kung nagkasala ka sa akin wala ako karapatan na patayin ka pero may batas o authority na puwede kita isumbong na magdedesisyon kung anong parusa,” ani Pacquiao.

“Maliwanag naman sa bibliya na `yong governing authority binibigyan ng power to impose punishment to those wrongdoers so maliwanag `yan sa bible at wala tayo karapatan para pumatay ng kapwa natin na nagkasala. But we have authority establish by God and instituted by God,” wika pa nito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.