Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao pinatugis promotor ng pekeng PDP-Laban memo

0 191

Humiling na ng tulong ang tanggapan ni Senador Manny Pacquiao sa Philippine National Police (PNP) para matukoy at mahanap ang mga tao na nasa likod ng pagpapakalat online ng pekeng PDP-Laban resolution na mayroong pinekeng pirma ng senador na naglagay sa kanya sa masamang posisyon.

Sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Pelagio Lawrence Cuison, hiniling ni Pacquiao sa PNP Anti-Cybercrime Group na magsagawa ng masinsinang imbestigasyon sa pinagmulan ng pekeng dokumento, kabilang na ang mga responsibla sa pagpapakalat nito.

Ang pekeng memo ay naglalaman ng diumano’y ‘confidential plan’ na nagpapakita ng pagbibigay ni Pacquiao ng kautusan kay PDP-Laban legal affairs and arbitration committee chair Alberto Oxales para ideklara ang umano’y agaran at awtomatikong pagpapatalsik kay Energy Secretary Alfonso Cusi bilang vice chairman at sa kanyang `mga kasamahan’.

Nilagyan ng petsang Hunyo 8, 2018 ang pekeng dokumento para umano palabasin na ginawa ito bago ang totoong PDP-Laban resolution na nilabas noong Hulyo 9, na nagpapatalsik kay Cusi at dalawa pang opisyal ng partido.

Itinanggi ng National Executive Committee ng PDP-Laban na mayroong ganitong dokumento at binatikos ito bilang pagtatangka umano ng ilang partido para magpakalat ng fake news.

Leave A Reply

Your email address will not be published.