Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao pinuri sabay kambiyo

0 160

Nagpaabot ng `goodluck’ wish ang Malacañang kay Senator Manny Pacquiao kaugnay sa napipinto nitong laban kay Errol Spence Jr. sa August 21, 2021.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hangad ng bansa sa lahat ng mga Pilipinong sumasabak sa laban ang kanilang tagumpay katulad ni Pacquiao.

Ayon sa kalihim, kung boksing ang pag-uusapan ay si Pacquaio ang pinakamagaling, subalit hindi sa ibang larangan.
“Of course, we wish all Filipinos the best of luck in whatever they do best. And pagdating po kay Manny Pacquiao, he is best in boxing ring and probably not as good elsewhere,” ani Roque.

Matatandaang bago bumiyahe ang senador sa Amerika ay nag-iwan ito ng kontrobersiya kaugnay sa umano’y mga katiwalian sa mga ahensiya ng gobyerno.

Dahil dito hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang boxing champ na patunayan ang mga bintang nito para hindi sabihing namumulitika lamang ito.

Kaugnay naman sa tanong kung tuloy ba ang laban ng senador kay Spence matapos sabihin ng Pangulo na umatras na ito, sinabi ni Roque na mas mainam na pakitanong na lamang ito kay Pacquiao.

“Whether or not natuloy, pakitanong na lang po si senator Pacquiao,” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.