Abante Tonite Interactive

PACQUIAO SASABAK SA BLITZ

By
12

Schedules ngayon (Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. — Skills challenges
7:00 p.m. — Greats vs. Stalwarts

Dinagdagan ni Sen. Manny Pacquiao ng da­ting ang Team Stalwarts na hahamon sa Team Greats sa Blitz Game sa Day 2 mamayang gabi ng 28th PBA All-Stars Weekend sa Smart Araneta Co­liseum.

Si Pacquiao ang pina­lit kay LA Revilla na aksidenteng sumabog ang ilong sa practice ng Mahindra bago harapin ang Alaska sa Oppo PBA Governors’ eliminations kamakalawa.

Makakasama ni Pacquiao sa Stalwarts sina le­gends Alvin Patrimonio at Ronnie Magsanoc, Raphae­l Banal, Mike Tolomia, Russel Escoto at Bryan Cruz ng PBA D-League, active pla­yers Chris Banchero, David Semerad at Raymond Almazan at retired Nic Belasco at Topex Robinson.

Nasa Greats si le­gend Johnny Abarrientos, Ed Daquioag, Mac Belo at Roger Pogoy ng D-League, present pla­yers Maverick Ahanmisi, Kevin Alas, Anthony Semerad, Ian Sangalang, Jonathan Grey, at retired Noli Locsin, Richard del Rosario at Bong Ravena.

Sa panghimagas na Skills Challenge, target ni Terrence Romeo ang back-to-back 3-point shootout title, Rey Guevarra sa third consecutive slam-dunk at Jeric Fortuna na dedepensa sa obstacle.

Nasa skills contest din ang mga aktibo pang pla­yers na sina James Yap, Jeff Chan, Alex Cabagnot, Jayjay Helterbrand, KG Canaleta at Troy Rosario.