Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao tinabla P1.7B tawad sa mansyon

0 194

Mariing pinabulaan ni Senador Manny ang naglabasan na namang balitang ibinibenta ang kanyang mansyon sa Forbes Park sa Makati City.

“No!” sagot ni Pacquiao sa tanong ng Abante TONITE nang hingan ng reaksiyon matapos muling mapaulat na binibenta niya ang kanyang magarang bahay sa halagang P1.5 bilyon.

Subalit kung may buyer umano na mag-aalok ng P2 bilyon para bilhin ang kanyang mansyon, posibleng kagatin umano niya ito.

“Kung P2B mapipilitan akong ibenta,” sabi pa ng senador.

SM food to go Banner Ad

Kinumpirma naman ni Pacquiao na may isa nang buyer na tumawag sa kanya at nag-alok ng P1.7 bilyon para bilhin ang mansion subalit tinanggihan umano niya ito.

“Mayroon [buyer], gusto P1.7 billion [pero] hindi ako pumayag,” ayon pa sa Pambansang Kamao.

Ang Zen-inspired mansion ni Pacquiao ay may sukat na 2,000-square meter. May apat na garahe ito, limang bedroom at pitong bathroom.

Ang bahay ay dating pag-aari ng isang kilalang banker at dinisenyo ni Architect Anton R. Mendoza habang ang interior naman ay ginawa ng Budji+Royal Designs. Binili ni Pacquiao ang bahay noong 2011. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.