Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao tinukuran ng mga kapartido sa PDP-Laban

0 469

Nagpahayag ng suporta ang malaking bilang ng grassroots members ng PDP-Laban Bulacan chapter kay Senator Manny Pacquiao bilang presidente ng kanilang partido kasabay ng pagkontra sa naunang manifesto na nilagdaan ng sampung miyembro ng partido na may kaibang posisyon.

Sa manipesto na nilagdaan ng daan-daang matatagal at card-bearing PDP-Laban Bulacan members, kinondena ng mga ito ang pahayag ng ilan sa kanilang miyembro na kontra kay Pacquiao. Nakasaad sa kanilang manipesto na hindi sila inimbitahan nang magpulong ang sampu nilang kapartido na nakabuo ng sariling manipesto na nagsasaad ng disgusto sa posisyon ni Pacquiao sa isyu ng West Philippine Sea.

Mga bagitong miyembro lamang umano ng partido ang dumalo sa naturang pulong at hindi ang mga grassroots members.

“We were not invited to any such meeting and no quorum was met for them to allude that the whole chapter is behind their statement. The said meeting was composed mostly of relatively new members who are either politically appointed officials or politicians, not the grassroots members that compose majority of our beloved party,” ayon pa sa manipesto.

Hindi umano tama na akusahan si Pacquiao nang hindi napapanood ang kabuuan ng interview sa senador. Kung papanoorin umano ang interview kay Pacquiao ay makikita ng lahat ng ipinagtanggol pa nito si Pangulong Duterte.

Idiniin pa ng grupo ang kanilang “all-out support” kay Pacquiao bilang party president kasabay ang panawagan sa mga detractors nito na magkaisa at magbigay ng suhestyon para sa ikabubuti ng kanilang partido at ng bansa.

Hinikayat din ng manifesto si Pacquiao sa pamamagitan ni PDP-Laban Executive Director Ron Munsayac na magsagawa ng internal investigation laban sa 10 minority PDP-Laban members dahil sa seryosong paglabag sa umiiral na party protocols at sa ginawa ng mga ito na labag sa interes ng partido.

Hinimok din ng grupo si Pacquiao na ipagpatuloy ang magandang liderato sa partido.

Leave A Reply

Your email address will not be published.