Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao todo-depensa sa binunyag ni Duterte

0 255

Nilinaw ni Senador Manny Pacquiao na hindi siya nagpunta sa Malacañang kamakailan para hingin ang suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagtakbo sa pagka-presidente sa 2022 elections.

Ayon kay Pacquiao, si 1Pacman party-list Rep. Eric Pineda umano ang nagtakda ng kanyang pulong kay Pangulong Duterte at bilang pagpapakita ng paggalang dito, pumayag siya na sumama sa kongresista sa Malacañang.

Ipinahayag ito ng senador matapos ibunyag ni Pangulong Duterte na hiningi ni Pacquiao ang kanyang suporta sa kandidatura nito.

“`Yong nagkita kami, sabi ko kausapin ko, para diretsahan. Sabi niya, `Magsama tayo for the sake of Mindanao’,” sabi ng Pangulo sa panayam sa kanya ng vlogger na si Banat By noong Sabado.

“Sabi ko, `I’m sorry I cannot support you,” sagot umano ni Pangulong Duterte kay Pacquiao.

“Hindi po ako traditional politician pero marunong akong makiramdam. Pumayag po ako na pumunta sa Malacañang hindi upang humingi ng suporta kundi upang ipakita ang respeto sa ating Pangulo. Nagpunta ako doon as a gesture of respect to the President,” pahayag naman ni Pacquiao.

Sabi ng senador, dahil kaharap na rin lang niya ang Pangulo, kinuha na niya ang pagkakataon para humingi ng paumanhin kung nasaktan man ito matapos na ungkatin niya ang isyu ng korapsiyon sa bansa.

Subalit sinabi pa umano niya sa Pangulo na hindi pa rin nagbabago ang posisyon niya pagdating sa kanyang krusada laban sa korapsiyon at iginiit na kailangang taga-Mindanao pa rin ang susunod na presidente ng bansa. (Dindo Matining/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.