Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao top 3 bilyonaryo sa mga boksingero

0 255

July 2019 pa huling umakyat sa ring si eight-division world men’s professional boxing champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao.

Pero putok pa rin ang pangalan ng ‘Pambansang Kamao’ na huling hinawakan ang World Boxing Association super wellterweight title at isa sa mga pinakamayayamang boksingero sa mundo ngayong 2021.

Sa listahan na nilabas ng The Richest Linggo, nasa ikatlong puwesto ang 42-year, 5-foot-6 fighting senator na may $220M o tumataginting na P10.6B net worth.

Bukod sa kinita ni Pacquiao sa kanyang boxing career, ilang negosyo na rin ang nasimulan niya tulad ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Una sa listahan ang karibal niyang si Floyd Mayweather Jr. ng United States sa net worth na $450M, nasa ikalawa si George Foreman na may $300M.

Ang iba pang nasa Magic 10 ay sina Oscar Dela Hoya ($200M), Lenox Lewis ($140M), Sugar Ray Leonard ($120M), Vitali Klitschko ($80M), Anthony Joshua ($60M), Tyson Fury ($30M), at Anthony Mundine ($30M). (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.