Abante Tonite Interactive

Pacquiao uuwing luhaan – Matthysse

By
1,895

Magsasayang lang ng oras si Manny ­Pacquiao sa pagpunta nito sa ­Malaysia. Pagkalipas ng bakbakan, bitbit muli ni Lucas Matthysse ang korona pabalik ng ­Argentina.

Ito ang deklarasyon ng WBA 147-pound ruler na tinaguriang ‘La Maquina’, na sinabing mabibigo ang 39-anyos na agawin ang kanyang korona.

“He is a great champion but he still hasn’t faced ‘The Machine’,” pabida ng 35-anyos dalawang araw bago ang ‘Fight of Champions’ nila ni Pacquiao sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur.

Abante Hiring – IT dep

Dagdag nito, wala siyang pakialam kung magreretiro na ang Pambansang Kamao matapos niya itong pulbusin sa darating na Linggo.

“If he decides to retire after I beat him then that is his decision, I am here to defend my title,” pagyayabang ni Matthysse.

Sa panig ng Pinoy ring idol, nangako itong magbibigay ng magandang laban para sa ­boxing fans.

“I believe we can ­create good action in the ring so the fans will be happy,” sabi ni Pacquiao.