Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao vs Crawford pinaplantsa ni Arum

0 231

HINDI pa rin sumusuko si Top Rank promoter Bob Arum sa posibilidad na suntukan nina WBA welterweight champion Manny Pacquiao at WBO 147-pound ruler Terence Crawford.

Isa si Pacquiao sa dalawang tigasing boxer, ang isa ay si Errol Spence Jr., na pinupuntirya ni Arum na makabugbugan ng kanyang alaga sa 2021.

May nakalinya pang laban si Crawford kontra Kell Brook ngayong Nobyembre 14 sa MGM Grand sa Las Vegas pero ngayon pa lang ay naghahanda na ng mas malaking laban si Arum para sa three-weight division world titlist na si Crawford.

“The next fight is going to be, as far as I can control things, we’re not going to fool around, it’s going to be Pacquiao or Spence,” kuwento ni Arum sa badlefthook.com.

Sa panig ni Pacquiao, magseselebra na ito ng ika-42 taong kaarawan sa Disyembre 17 kaya mas matanda ito ng siyam na taon sa 33-anyos na si Crawford.

Huling sumabak si Pacquiao noong Hulyo 2019 nang agawin ang welterweight crown ng dating WBA titlist na si Keith Thurman. (Ferdz Delos Santos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.