Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao vs Garcia namumuro

0 266

Muling nabuhayan ang mga fan, lalo na ang mga tagasunod ni eight-division world men’s professional boxing champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao dahil sa posibilidad na muling umakyat sa lona at makipagbugbugan siya sa taong ito.

Nabuhay uli ang balak na pagsagupa ng 42 taong-gulang, 5-6 ang taas at isinilang sa Kibawe, Bukidnon na fighting senator kay four-division titlist Mikey Angel Garcia, 33, ng Estados Unidos na pinaplantsang gawin sa Dubai, UAE.

Iniulat Martes na nakahanda na ang megafight ng dalawa na pamamahalaan ng Matchroom sa pamamagitan ni Eddie Hearn. May boxing site na rin ang nagreport sa nilulutong bangasan kahit wala pang tinukoy na petsa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Una nang pinag-usapan at itinakda ang sapakan ng noong July 11, 2020 sa Saudi Arabia, pero natigil ang negosasyon. Muling lumakas uli ang ugong dahil sa pagkansela ng laban ni Pacquiao sa darating na May sa UAE rin kay three-division world king American Terence Alan Crawford dahil kinapos sa pondo ang financier.

Kung matutuloy, unang pagkakataon na lalaban ang Pambansang Kamao sa loob ng halos dalawang taon. Tinalo niya sa desisyon para masungkit ang World Boxing Association welterweight title ni Keith Thurman noong July 2019. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.