Abante Tonite Interactive

Pacquiao walang bilib kay Duque, napa-rapid test

1,896

Mistulang sinupalpal ni Senador Manny Pacquiao si Health Secretary Francisco Duque III na ipinipilit ang COVID-19 testing sa Research Insitute of Tropical Medicine (RITM) sa gitna ng mga donasyong rapit test kit na mas mura at nagbibigay ng mabilis na resulta.

“May natanggap po akong Rapid Testing Kits mula sa aking mga kaibigan sa South Korea. Gamit ang rapid test kit na approved sa Korea, ako po ay nag-negatibo. Hindi pa approved ng FDA (Food and Drug Administration) dito pero yon po ang ginagamit sa Korea,” sabi ni Pacquiao sa isang statement.

Nag-isyu ng statement ang Pambansang Kamao para sa kapanatagan ng kanyang mga kapitbahay sa Dasmarinas Village sa Makati City matapos na magpositibo ang mga kasamahan nitong senador na sina Koko Pimentel, Migz Zubiri at Sonny Angara sa Covid.

Gayunman, tiniyak ng senador na sumailalim siya sa self quarantine sa kanyang mansion pagkatapos na dumalo sa Senate special session noong March 23.

“ Nalulungkot po ako na may mga kasamahan ako sa Senado na positibo sa Covid-19. Dahil nakasalamuha ko sila, alam ko na ako ay considered as Person Under Monitoring o PUM,”sabi pa nito.

Aniya, tumanggi siyang magpa-test sa RITM dahil wala siyang sintomas at mas maraming persons under investigation (PUI) ang mas dapat na maunang magpasuri sa Muntinlupa laboratory.

Nauna nang nagbabala ang DOH sa publiko na huwag tangkilikin ang rapid test kit mula South Korea at ibang bansa dahil hindi ito aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) na maaaring magbigay ng false negative result sa mga pasyeteng walang sintomas ng virus.

Gayunman, marami ang sumusuporta sa rapid test kit (na mabibili sa P250 hanggang P500 each) dahil sa mabilis na resulta na maaaring makatulong sa mga frontliners hanggang sa mga factory worker at mga clerk sa tindahan upang maagapan ang pagkalat ng virus.

Tonite – Wendys Inhouse Ad