Abante Tonite Interactive

Pacquiao walang interes maging presidente

By
4,057

Hindi interesado si Senador Manny Pacquiao na tumakbo sa pinakamataas na posisyon­ sa bansa.

“Wala akong interes diyan at masaya naman akong naging senador ako at wala akong ano diyan. Hindi ko iniisip ‘yan,” saad ni Pacquiao sa panayam ng DWIZ.

Binigyang-diin ni Pacman na hindi siya naghahangad ng ibang posisyon subalit umaasa siya na kung sinuman ang papalit kay Pangulong Rodrigo Duterte, dapat ay may puso at malasakit sa mahihirap.

Abante Hiring – IT dep

“Hindi lang puro salita tapos hindi naman ginagawa,” giit ni Pacquiao.

Ipinagmalaki pa ni Pacman na tulad niya, ang Pangulo ay nagmula sa mahirap kaya nauunawaan ang pinagdaraanan ng mahihirap.

“In fact, ayokong i-announce kung ano mang ginagawa ko. ‘Yung kinikita ko sa boxing, binibili ko ng lupa ‘yan.
Hektarya-hektarya, pinapagawan ko ng subdivision, nagbi-build ako ng mga bahay. Nagpapagawa ako ng mga bahay at binibigay ko ng libre sa mga pamilya na walang bahay,” saad ni Pacman.

Tinukoy ng senador na ang kanyang mga pabahay ay sa General Santos City at Sarangani­.

“Plano ko rin sa ibang lugar. Actually, naghahanap na ako ng siyempre makamura tayo ng lupa sa ibang lugar eh papagawan ko rin ng bahay tapos ibibigay ko lahat,” diin pa nito.

Hindi rin aniya siya nababahala na mauubos ang kanyang kita.

“Hindi ako nababahala kasi ang Pangi­noon ang aking sinusunod,” diin pa nito.