Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pader gumuho, 4 trabahador nadale

0 141

Sugatan ang apat na construction worker nang mabagsakan ng gumuhong gusali na kanilang gina­gawa sa Dasmariñas City, Cavite, Martes ng hapon.

Ginagamot ngayon sa pagamutan sina Ricardo Juvida, 47-anyos; Richard Serrano, 34; Allan Vales, 24; at Rolly Villa, 32, pawang mga construction worker.

Samantala, kasong pa­glabag sa PD 1096 (National Building Code of the Philip­pines) at reckless imprudence resulting in multiple physical injuries ang kinaka­harap nina Justin Ong, 26; Romeo Bonabon, 61, at ang contractor sa ipinatatayong gusali na si Engr. Jonello Pro­tomartir na pinaghahanap ng pulisya dahil sa reklamo ni Alquin Salinog ng Office of the Building Official ng lungsod.

Sa ulat ng Dasmari­ñas City Police, dakong alas-2:50 kamakawala ng hapon nang maga­nap ang insidente kung saan nagtatrabaho ang nasabing mga kawani sa ginagawang gusali sa Wet­mark Construction Site sa 9070 Pintong Gubat, Brgy. Paliparan 3 nang biglang gumuho ang isang bahagi ng pader at nabagsakan ng mga tipak ng semento ang apat na nagresulta sa kanilang pagkakasugat. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.