Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pader ng mall binutas, ATM tinangay

0 124

Milyong pisong halaga ng pera ang natangay matapos butasin ng mga salarin ang pader ng isang mall kamakailan para lang makulimbat ang automated teller machine (ATM).

Naniniwala naman ang pamunuan ng Nueva Ecija Police Provincial Office na “inside job” ang nangyaring nakawan sa Waltermart sa Gapan City noong Lunes ng gabi na ang natangay ay isang ATM sa loob ng establisimiyento.

Sa panayam ng Abante kay PColonel Rhoderick Campo, Nueva Ecija OIC PD, hindi pa idinideklara ng bangko kung magkano ang posibleng laman ng pera ng ATM nang ito ay manakaw pero sinasabing nasa P5M ang natangay.

Sa ulat, alas-7:20 na ng umaga noong Martes nang ipabatid ng mga security officials ng Waltermart sa Brgy. Bayanihan ang nakawan alas-5:40 ng umaga.

Binutas umano ng mga salarin ang isang bahagi ng pader ng mall sa gawing supermarket patungo sa kinatatayuan ng ATM.

Nagsagawa ng pagproseso ang SOCO Team mula sa Nueva Ecija Provincial Crime Laboratory Office habang pinag-aaralan ang ilang nakalap na CCTV footages. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.