Abante Tonite Interactive

Paderbi ni Berbano para sa mga lokal, dayuhan

404

MAKARAAN ang 2020 World Slasher Cup 1, larga naman sa Imus Sports Arena (ISA) sa Cavite ang taunang “MB Birthday Invitational 6-Cock Derby” sa darating na Martes.

Kita-kits ang locals at dayong gamefowl breeders sa malaking pasabong na ito ni Pitgames Media Inc. CEO Manny Berbano sa pagtataguyod ng Excellence Poultry and Livestock Specialist, Inc.

Mangunguna sa mga banyaga si Chris Copas ng Bowling Green sa Kentucky, USA nagsolong kampeon sa 2019 WSC 1. Dadayo rin sina Donny Halley at Jimmy Holland na kalugar ni Copas, Erik Rosales ng California, Tim Fitzgerald ng Utah, Butch Cambra at Jaymark Corpus ng Hawaii.

Pambato ng Champions of Excellence ng Luzon sina Biboy Enriquez, Jeyshie Dimafelix, Mike Macalalad, Leo Enriquez ng Wild Creek Farms, Digmaan champ Momoy Adams, Bakbakan champs Jeff Acosta at Manuel Espinosa, Doyet Lapido, Carreon brothers, Dante Hinlo, Jawo Agdalipe, Juancho Aguirre Jr. at Jun Jomecillo.(Enjel Manato)