Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Padilla balik-putukan

0 100

Babalik mula sa nine-year retirement si multi-titled shooter Nathaniel ‘Tac’ Padilla upang palakasin ang national team para sa 31st Southeast Asian Games 2021 sa Hanoi, Vietnam sa parating na November 21-December 2.

Nabatid ito ng Abante TONITE Sabado ng gabi kay Philippine National Shooting Association (PNSA) pistol director Ronaldo Hejastro.

“Tac Padilla will return to strengthen our pistol team,” anang opisyal na siya ring pistol and rifle training & competition in charge ng samahan ukol sa five-SEA Games champion at former national teammate.

Pagkaretiro bilang atleta noong 2011 naging chairman si Padilla, 57, ng PNSA national youth development program noong 2012, nag-chef-de-mission ng Team PH sa 2nd Asian Youth Games sa Nanjing, China noong 2013 at ibinuhos ang panahon sa pagiging general manager ng family-owned Spring Cooking Oil sa Malabon.

Kaya may pagkakataon ang 1976 Mexico Benito Juarez World Shooting Championships gold medalist na pahabain record 18 niya partisipasyon sa 11-nation biennial sportsfest na naudlot nang maalis ang kanyang event sa Myanmar 2011 SEAG. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.