Abante Tonite Interactive

Padios ayos lang matalo kay lodi

0 300

Ambisyon ni Marie Francine Padios na maging pediatrician balang araw, ginawa niyang inspirasyon ang kanyang pangarap upang sikwatin ang silver medal sa seni women’s tunggal singles pencak silat sa 30th Southeast asian Games, Martes nang hapon sa Subic Bay Exhibition and Convention Center, Zambales.

Pinakabata ang 16-year old Grade 10 student sa Kalibo Aklan sa mga nagbanatan, masaya si Padios dahil nakaharap niya ang kanyang idolo.

“Masaya ako para sa sarili ko at sa kanya kasi idol ko ‘yun eh, so sabi ko kahit matalo ko idol ko pa rin ‘yun,” saad ni Padios na naging pambato ng Region 6 sa 2019 Palarong Pambansa. “Ok na sa akin ‘yun eh kasi first time ko pa lang naman.”

Si Padios ay nasa juniors team pero hinahanda na ng Philippine Pencak Silat Association (Philsilat) para isagupa na rin sa mga parating pang malalaking sportsfest.

Kinapos lang ng 13 puntos si Padio­s sa kanyang idolo na si Puspa Arum Sari ng Indonesia na nagrehistro ng 467 points. Naka-454 markers siya. (Elech Dawa)