Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Padios umapela ng tulong sa ama

0 89

Dumudulog sa may mga mabubuting kalooban si Southeast Asian Games Seni-Tunggal women’s single gold medalist Mary Francine Padios patungkol sa amang nakaratay sa hospital dulot ng tinamong aksidente.

Buong tapang na hinarap ng 18-anyos na tubong Kalibo, Aklan ang lahat ng mabibigat na isipin at damdamin sa kasagsagan ng kanyang pagsasanay sa bubble camp sa Nueva Ecija at aktuwal na laban sa Bac Tu Liem Sporting Hall sa Hanoi, Vietnam para lamang makuha ang kauna-unahang gintong medalya ng bansa sa Pencak Silat.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kasalukuyan pa ring comatose ang ama ni Francine sa Iloilo Medical Center matapos makaranas ng car accident noong Disyembre pauwi sanang Aklan galing Iloilo matapos maka-idlip habang nagmamaneho na siyang aksidenteng sumalpok sa isang bus.

“As of now, nagwa-wait lang po kami sa operasyon niya. ‘Di na siya nagigising. Naka-comatose na po siya. Ngayon okay naman po ang recovery niya, ‘yun nga lang, naka-comatose na siya at nasa private hospital pa rin siya kasi medyo worried tayo noong bago siya nadisgrasya kasi mas pinili naming ipasok sa private. Eh nangyari medyo mabigat ngayon sa bulsa. We are looking for financial help kung sino pong pwedeng tumulong,” pahayag ni Padios sa isang sports program. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.