Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Padrigao kabado sa Blue Eagles

0 97

Marami pa akong kakaining bigas.

Ganito ang gustong iparating ni Ateneo high school cager Rence Keith Sean ‘Forthsky’ Padrigao nang sabihin sa madla na ‘wag munang masyadong umasa sa kanyang kakayahan.

“For me, sa tingin ko I’m not yet next in line. Wala pa ako doon, feel ko talaga malayong-malayo pa ako,” wika nitong Huwebes ng veteran internationalist na iniakyat na sa collegiate (Blue Eagles) kahit may isang taon pa Blue Eaglets.

Malaking bagay ang pagiging miyembro niya ng Gilas Pilipinas Youth team na nagkampeon sa Quezon City 2017 SEABA Under-16 Championship, fourth placer sa 2016 FIBA Under-16 Asian Championship sa China at 13th place sa 2018 FIBA U17 World Cup sa Argentina. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.