Abante Tonite Interactive

Padua, De Mesa, Responders ipoposas ang UNTV Cup title

By ,
950

Maghaharap para sa kampeonato ang Phi­lippine National Police (PNP) Responders at Ombudsman Graftbusters sa 2nd UNTV Cup Executive Face-Off matapos nilang pataubin ang kani-kanilang kalaban sa semifinals nitong weekend sa Pasig City Sports Center.

Sinandalan ng Res­ponders ang kanilang dynamic duo na sina Anthony Padua at Joey de Mesa para tapusin ang Senate Sentinels 78-61, habang ang Graftbusters naman ay inalpasan ang Judiciary Magis sa overtime 76-73.

Nakatakda ngayong Hulyo 30 ang winner-take-all match na gaganapin sa Araneta Coliseum at makakatanggap ng isang milyong piso ang charity ng mananalong koponan, habang P500,000 naman sa charity ng matatalo.

Nagtala ng 21 na puntos si Padua at sumahog ng 14 si De Mesa para sa Responders.

Balik-aksyon para sa Senate Sentinels si Senador Joel Villanueva matapos ang pahinga ay hindi pa rin ito sapat para tapatan ang nag-iinit na Responders.

Rumehistro ng 16 puntos si Villanueva matapos ang laban.

Naalpasan naman ng Graftbusters magandang ginawa ng Magis para makapagpwersa ng extra five minutes.